Mga opisyal ng Pulisya sa bayan ng Bamban, Tarlac, iniimbestigahan na rin ng PNP kasunod ng pagkakabisto ng POGO hub na ini-uugnay kay Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinitingnan na rin ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng kapabayaan sa panig ng lokal na Pulisya sa bayan ng Bamban sa lalawigan ng Tarlac

Ito’y bilang tugon ng PNP sa naunang pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat papanagutin ang mga dating Chief of Police sa naturang bayan kasunod ng pagkakabisto ng iligal na POGO hub na ini-uugnay kay Mayor Alice Guo.

Pero paglilinaw ni PNP Public Information Office Chief, Police
Col. Jean Fajardo, labas sa kapangyarihan ng PNP ang pagbibigay ng permit sa isang POGO dahil ito’y nasa pananagutan ng PAGCOR at ng Lokal na Pamahalaan.

Una nang ipinag-utos ni Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos Jr. sa National Police Commission (NAPOLCOM) na tanggalan ng deputation sa mga Pulis si Mayor Guo habang iniimbestigahan ang kaso.

Gayunman, ipinaliwanag ni Fajardo na ang mga Chief of Police ng isang bayan ay tumatanggap ng kautusan mula sa kanilang Provincial Director.

Habang ang mga Gobernador lamang din ang may kapangyarihan na tumanggap at magpakalat ng Pulisya depende sa sitwasyong pangkaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us