Mga pahayag ng dating PDEA agent kaugnay sa PDEA Leaks, di na dapat pinaniniwalaan, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag na professional liar ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales, na siyang nagdawit sa pangalan ng Pangulo na gumagamit umano ng iligal na droga, batay sa sinasabing nag-leak na dokumento taong 2012.

“Mahirap naman bigyan ng importansya ‘yan. You know, this fellow is a professional liar at parang jukebox ‘yan. Kung anong ihulog mo, basta maghulog ka ng pera kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya. Kaya wala, wala… Walang saysay. Tingnan mo na lang ang kanyang record.” —Pangulong Marcos Jr.

Sa ambush interview sa Pangulo sa General Santos City, sinabi nito na kita naman sa record ni Morales. Mayroon itong kaso ng false testimony, kaya’t walang saysay ang mga sinasabi nito at hindi na dapat pang pinaniniwalaan.

Inihalintulad pa ng Pangulo si Morales sa isang jukebox, na kakantahin ang anomang tugtugin, basta’t mahulugan ng pera.

“Tingnan mo na lang ang kanyang — may kaso siya na false testimony. Iyan ganyan. Ilan bang mga… Marami siyang history na kung sino-sino sinasangkot kung saan-saan. Parang ‘yun ang — doon siya… Iyon ang hanapbuhay yata niya, kaya professional liar ang tawag ko sa kanya.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us