Umakyat pa ang bilang ng mga naapektuhan ng El Niño sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
As of May 15, aabot na sa 1,072,938 na pamilya o katumbas ng higit apat na milyong indibidwal ang lubhang naapektuhan ng El Niño.
Ayon sa DSWD, ang mga apektadong komunidad ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas , Central Visayas, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, SOCCKSARGEN, Cordillera Administrative, Davao Region, Northern Mindanao, at BARMM.
Kasunod nito, umakyat naman sa ₱246.9-million ang halaga ng Humanitarian Assistance na naipaabot ng DSWD sa mga naapektuhan ng El Niño.
Sa kabuuan ay mayroon pang ₱3.3-billion available relief resources ang DSWD na handang ipantulong sa mga apektado ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa