Mga panukalang magpapalakas sa health emergency preparedness sa bansa, lusot na sa House Panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang matiyak ang kahandaan ng bansa laban sa mga hinaharap na pandemya, inaprubahan ng Komite sa Kalusugan ng Kamara ang panukala na magpapalakas sa industriya ng healthcare manufacturing at mag-aamyenda sa Quarantine Act of 2004.

Ito ay ang House Bill (HB) 1100, na iniakda ni Representative Keith Micah “Atty. Mike” Tan, at House Bills 9739 at 3173, na inihain nina Rep. Rufus Rodriguez at dating Representative at ngayo’y Finance Secretary Ralph Recto.

Ang mga house bill ay naglalayong magkaroon ang mga local manufacturers at distributors ng mga gamot, bakuna, ventilators at iba pang kinakailangang medical supplies and equipments, na may kaakibat na benepisyo sa buwis, exemptions at mga insentibo, kabilang ang mga preferential government treatment sa pagbili ng mga mahahalagang produkto at serbisyo, sa panahon ng pandemya at mga pampublikong kagipitan.

Ayon kay Committee Chair at Batanes Rep. Ciriaco Gato ang pag-apruba sa mga panukala ay mga aral na nakuha sa pandemyang dulot ng COVID-19.

Inaprubahan rin ng Komite para pagsama-samahin ang mga HB 5665, 8908 at 9114 na iniakda nina Rep. Michael Romero at Raul Angelo “Jil” Bongalon, na amyendahan ang “The Quarantine Act of 2004,” at paganahin ang lokal at global health surveillance para maiwasan ang pagkalat ng mga pandaigdigang sakit at mga banta sa pampublikong kalusugan. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us