Aabot na ng 2,100 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Region 5 at 8 dahil sa bagyong si Aghon.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinansela ang biyahe ng mga pasahero dahil sa sama ng panahon.
Sa situational report ng NDRRMC, 848 sa kabuuang bilang ay naitala sa Region 5 at 1,252 naman ay sa Region 8.
Bukod dito, may stranded din na 407 rolling cargoes,16 na sea vessel at 11 motorbanca.
Hanggang alas-12:05 ng tanghali, itinaas na sa Red Rainfall Warning ang lalawigan ng Albay, Sorsogon at Masbate.
Asahan na umano ang matinding pag-ulan, mga pagbaha at maging pagguho ng lupa habang nananalasa ang bagyong Aghon. | ulat ni Rey Ferrer