Umabot na ng halos 100 katao ang maagang pumila sa labas ng San Lazaro Hospital para magpabakuna ng anti-rabies.
Itoy kasunod ng pagdami ng kaso ng rabies ngayong taon.
Karamihan sa mga nagpapa bakuna ay mga kinagat ng aso at pusa.
Sabi ng Department of Health, may bahagyang pagbaba ng kaso ng rabies ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Pero hindi daw ito dapat ipagsawalang bahala dahil 100% ang fatality rate ng kaso ng rabies.
Kaya naman, hinihikayat ng DOH ang sinumang nakagat o nakalmot ng pusa na magpabakuna ng anti-rabies dahil maaaring ikamatay ng sinumang hindi nabibigyan nito. | ulat ni Michael Rogas