Inihayag ng Department of Transportation na malaking tulong ang mga flagship transport project tulad ng Subic-Clark-Manila-Batangas (SCMB) Railway at North-South Commuter Railway (NSCR) – New Clark City Extension sa paglago ng ekonomiya sa Luzon.
Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa ginanap na Philippine Business Mission ng US-ASEAN Business Council.
Ayon kay Secretary Bautista, layon ng mga proyektong ito na gawing pangunahing logistics hub ang Luzon corridor at makaakit ng mga investment sa railway systems, mga pantalan, clean energy, agrikultura, at cold storage facilities.
Maliban sa nasabing mga proyekto, layunin din ng DOTr na mahikayat ang mga investor na suportahan ang sustainable transportation at digital transformation projects tulad ng automated fare collection system para sa mga pampublikong sasakyan. | ulat ni Diane Lear