Gagamitin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang working visit sa Singapore upang isulong ang mga usaping pang-ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau, sa sideline ng talumpati ng Pangulo sa IISS Dialogue, magkakaroon ng pulong si Pangulong Marcos kasama sina Singaporean President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong.
“The President, likewise, will have a brief meeting with the former Prime Minister and currently Senior Minister Lee Hsien Loong on the sidelines of the Shangri-La Dialogue.” — Asec Rau.
Ayon sa opisyal, kilala ang Singapore bilang economic powerhouse, kaya’t isa ito sa mga posibleng mapag-usapan.
Ayon sa opisyal, gagamitin rin ng Pangulo ang pagkakataon upang siguruhin ang pagpapatuloy ng magandang relasyon ng Singapore at Pilipinas.
“As you know, Singapore is an economic powerhouse so this is one of the main points that we will be taking up; and of course, we want to ensure that the relationship continues under the new administration in Singapore.” — Asec Rau. | ulat ni Racquel Bayan