MIAA, suportado ang DOH para maiwasan ang pagkalat ng FLiRT COVID variant sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kampanya ng Department of Health (DOH) upang maiwasan ang pagkalat ng FLiRT COVID variant sa ating bansa.

Kung saan inatasan na ng DOH ang Bureau of Quarantine ng mahigpit na pagbababantay sa bawat gateway corridors sa bansa partikular na ang bawat paliparan upang maiwasan ang pagpasok ng naturang COVID variant sa Pilipinas.

Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, sila ay nakikiisa sa naturang kampanya ng DOH na hindi makapasok ang FLiRT COVID variant upang maging ligtas ang bawat pasaherong magtutungo sa NAIA.

Sa huli, muling paalala ng MIAA sa publiko na kapag may nararamdamang hindi kanais-nais tulad ng ubo, sipon, at lagnat ay magsuot ng face mask at panatilihing mag-hand sanitation upang makaiwas sa anumang virus. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us