Hindi humarap sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs ngayong Miyerkules ang negosyanteng si Michael Yang.
Ito ay kaugnay sa pagsisiyasat sa P3 bilyong halaga ng ilegal na droga na nasabat sa Mexico, Pampanga noong 2023.
Kinatawan ni Atty. Raymond Fortun si Yang.
Aniya, May 12 nang bumiyahe papuntang Dubai ang kaniyang kliyente katunayan naka walong biyahe na aniya ito sa loob ng pitong buwan, dahil sa pagiging entrepreneur.
Dahil naman dito ay magpapalabas ng show cause order si Yang upang ipaliwanag kung bakit hindi siya nakadalo.
Pinasusumite rin ng Bureau of Immigration ang record ng biyahe ni Yang mula October 2023.
Hiniling naman ni Fortun na sa pagharap ni Yang ay magkaroon sana ng Mandarin interpreter, dahil hirap umano ang negosyante na makaintindi ng English at Filipino.
Samantala, hiniling naman ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na maibitahan sa kanilang pagdinig si dating Police Colonel Eduardo Acierto upang tukuyin kung ang iniuugnay na Michael Yang na isa sa mga incorporators ng warehouse kung nasabat ang droga sa Pampanga ay ang Michael Yang na kaniyang tinutukoy na sangkot sa iligal na droga noong nakaraang administrasyon. | ulat ni Kathleen Forbes