Inilagay sa High Alert status ang Migrant Workers Office (MWO) sa Taiwan matapos yumanig ang kambal na lindol doon kagabi.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) bagaman wala pa silang nababalitaan na may nasaktan ay nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang tanggapan sa Taipe Taichung at Kaoshiung.
Gayundin sa Pinoy Community, mga employer, at trade association para siguruhing ligtas ang kalagayan ng mga kababayan doon.
Katuwang din nila ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa pangunguna ni Chairman Silvestre Bello III para i-monitor ang pinakahuling sitwasyon sa Taiwan.
Batay sa ulat ng Taiwan Central Weather Administration, naitala ang mga pagyanig alas-5:45 at 5:52 kahapon ng hapon sa lakas na Magnitude 5.9.
Pero ayon sa ulat ng United States Geological Survey, naitala ang mga pagyanig sa lakas na Magnitude 5.6 na sinundan ng naman ng malakas na aftershock na Magnitude 5.4. | ulat ni Jaymark Dagala