Umaasa si Lanao Del Norte Rep. Khalid Dimaporo na gagawin ng Marawi Compensation Board ang kanilang trabaho na maipagkaloob ang benepisyo sa mga biktima ng Marawi Siege.
Ayon kay Dimaporo, nakakalungkot aniya na nasa 10 porsyento pa lamang ng kanilang budget ang kanilang na-utilize sa ngayon.
Aniya, ngayong darating na budget season hindi niya aasahan na muling dudulog ang MCB upang manghingi ng karagdagang budget kung sa tutuusin ay mabagal ang kanilang budget utilization.
Nagawa na aniya ng Kongreso ang kanilang tungkulin na ibigay ang sapat na pondo sa muling pagbangon ng Marawi at ipinauubaya na nila ang tungkulin sa MCB upang ipatupad ito.
Sa ngayon nasimulan na ng MCB ang pamamahagi ng structural at personal property claims sa mga pamilyang apektado ng 2017 siege. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes