MMDA, nag-inspeksyon sa lagay ng trapiko sa EDSA-Kamuning kasunod ng pagsasara ng flyover

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle rider na gamitin ang mga alternatibong ruta at huwag makipagsiksikan sa EDSA-Kamuning service road lalo ngayong kinukumpuni ang Kamuning Flyover.

Sa pag-iinspeksyon kasi ngayong umaga ng MMDA kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH), natukoy na marami pa ring motorista pinipiling dumiretso at hindi dumadaan sa alternatibong ruta kaya nagkakatukod ang trapiko sa bahagi ng EDSA-Kamuning.

Ayon kay MMDA Acting Chair Romando Artes, mas maluwag ang kalsada at mas ligtas para sa mga motorcycle rider kung mas pipiliin nila ang Mabuhay Lanes.

Kaugnay nito, plano ring magdagdag ng MMDA ng mga tauhan na ide-deploy sa EDSA para gabayan ang mga motorista na pwede silang kumanan sa Panay Ave, Sct. Albano at Sct. Borromeo.

Maging ang DPWH ay maglalagay rin ng karagdagang signages para madaling makapag/adjust ang mga motorista.

Kasamang nag-inspeksyon ni MMDA Acting Chair Artes si DPWH NCR Regional Director Loreta Malaluan na ipinasilip rin ang ongoing nang konstruksyon sa ibabaw ng tulay.

Aniya, sinimulan nang butasan ang tulay para madetermina ang kapal ng sementong ilalagay rito.

Hahatiin din aniya sa tatlong shift ang mga construction worker na idedeploy sa Kamuning Flyover para sa 24-oras na operasyon at mapaagang makumpleto ang proyekto. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us