Walang patid ang pagsasagawa ng clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force sa Mabuhay Lanes sa Quezon City.
Layon ng operasyon na matiyak na maluwag at walang sagabal sa daanan ng mga motorista na gumagamit ng Mabuhay Lanes.
Ito ang mga alternatibong ruta kasunod ng pansamantalang pagsasara ng Southbound ng EDSA-Kamuning flyover dahil sa rehabilitasyon.
Sa isinagawang clearing operations ngayong araw, umabot sa 74 na mga sasakyan ang natiketan dahil sa illegal parking.
Habang 34 na sasakyan ang nahatak at dinala sa impounding area ng MMDA sa Tumana, Marikina City.
Ang pinaigting na clearing operations ng ahensya sa Mabuhay Lanes ay alinsunod sa utos ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes upang matiyak ang maayos na daloy ng mga sasakyan at kaligtasan ng mga motorista.| ulat ni Diane Lear