Pinailawan ng kulay berde ang bantayog ni Gat Jose Rizal kagabi sa Rizal Park sa Maynila bilang pakikiisa nito sa ika-61 anibersayo ng African Union (AU).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing pagpapailaw ngayong taon ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at 55 miyembrong bansa ng African Union.
Ang kulay berde, na tampok sa watawat ng AU, ay sumisimbol sa mga pag-asa at mithiin ng kontinente.
Dito sa bansa ay may anim na resident African Embassies na matatagpuan na kinabibilangan ng Angola, Egypt, Libya, Morocco, Nigeria, at South Africa.
Naisakatuparan ang nasabing kaganapan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng National Parks Development Committee.
Nauna namang nagbigay ng kanyang mensahe si DFA Secretary Enrique Manalo na sumentro sa matibay na ugnayan at mutual respect sa pagitan ng Pilipinas at African continent. | ulat ni EJ Lazaro