Bago pa man ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong araw ang first quarter economic performance ng bansa, naniniwala ang Moody’s Analytics na papalo sa 5.8 percent ang paglago mula January to March period.
Ayon sa Moody’s Analytics kayang lagpasan ng first quarter growth ang naitalang 5.6 percent noong December 2023 dahil sa positive trade performance at mas pinalakas na private consumption.
Sa inilabas na Economic Review for Asia Pacific, sinabi ng Moody’s inaasahan lalakas ang Philippine trade dahil matibay na semiconductor shipments at tumataas na international arrivals.
Samantala, patuloy naman aniyang itutulak ng private consumption ang paglago dahil sa robust labor market at mataas na remittance.
Nananatili, aniyang, balakid sa paglago ang mataas na domestic borrowing.
Samantala, nakikita rin ng Moodys ang 3.9 percent April inflation– mataas sa 3.7 March inflation pero pasok pa rin sa target range ng mga economic managers. | ulat ni Melany Valdoz Reyes