Motor rider na may sticker ng “House of Representatives” kasama sa mga pinagmulta ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation dahil sa di awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) ang isang motor rider na gumagamit ng sticker ng “House of Representatives” para maka-iwas sa huli.

Ito’y kasunod ng panibagong operasyon ng SAICT sa bahagi ng EDSA-Santolan na nasa harap lamang ng mga Kampo Crame at Kampo Aguinaldo.

Huli sa akto ng SAICT ang pagdaan ng naturang motor rider subalit sa halip na isumite ang sarili ay umiwas pa ito sa mga tauhan ng SAICT.

Nang masukol na, inamin ng motor rider na hindi siya nagtatrabaho sa Kamara at nakuha niya lamang ang sticker dahil ibinigay ito sa kaniya ng pinsan ng kaniyang asawa na nagtatrabaho roon.

Maliban sa motor rider, marami ring motorista ang nasita ng SAICT dahil sa hindi awtorisadong pagdaan sa EDSA Busway kaya’t mahaharap sila sa multang ₱5,000 para sa unang paglabag. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us