Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na miyembro ng kanilang response cluster.
Ito’y para tukuyin ang iba pang mga pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Aghon na nanalasa sa bansa.
Batay sa pinakahuling situationer report ng NDRRMC ngayong umaga, pumalo na sa ₱3.6-milyong piso ang halaga ng mga tulong na naipamahagi ng pamahalaan.
Partikular na rito ang family food packs, hot meals, at hygiene kits na ibinigay sa mga naapektuhan ng bagyo sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Central Visayas.
Pagtitiyak ng NDRRMC, hindi tumitigil ang kanilang pagbabantay hinggil sa pinakahuling sitwasyon na may kaugnayan sa bagyong Aghon, alinsunod na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala