Nabawasan na ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng bagyong Aghon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon na lang higit sa 1,400 pamilya o katumbas ng higit 5,696 indibidwal ang nananatili sa higit 98 evacuation centers.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa limang kabahayan ang labis na nasira ng mga pag-ulan habang 21 rin ang partially damaged.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng P3.6-million na halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa