Umabot sa kabuuang bilang na 513 na pamilya o katumbas ng 2,734 individuals ang naapektuhan ng pananalanta ng Bagyong Aghon habang papalakas ito at gumagalawa pa-Hilagang Kanluran ng bansa.
Sa nasabing bilang nanatili sa 34 na pamilya o 523 individuals ang mga nasa evacuation center pa rin sa mga panahon na ito. 469 families o katumbas ng 2,146 naman ang nasa labas ng mga evacuation centers o piniling manatili sa kanilang mga tahanan. Dagdag pa rito ang nasa 65 indibidwal na nauna nang inilikas o kasama sa isinagawang preemptive evacuation.
Sa bilang naman ng sugatan, umabot naman sa apat ang bilang ng mga ito, kung saan kabilang dito ang tatlong bata mula sa lalawigan ng Albay.
Sinasabing nabagsakan ang mga ito ng puno habang sakay ng tricycle.
Wala namang naitatalang namatay dahil sa pananalanta ng bagyo sa alimang bahagi ng bansa.
Patuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng pamahaalaan sa mga apektadong lugar kung saan may ₱3.4 bilyon na standby funds and stockpiles mula sa DSWD at OCD ang nakapreposisyon na.
Inaasahan naman na pagsapit ng Martes ay bubuti na ang panahon, ayon sa PAGASA, habang papalabas ang Bagyong Aghon ng Philippine Area of Responsibility (PAR) umaga ng Miyerkoles. | ulat ni EJ Lazaro