Inihayag ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na humigit-kumulang sa US$587 million ang nasamsam na illegal drugs sa unang dalawang taon ng Marcos administration.
Pitong daang porsiyento 700% na pagtaas mula sa mga nakaraang taon.
Ipinagmalaki ito ni Abalos sa pagbubukas ng 33rd Session ng United Nations Commission on Crime Prevention and Criminal Justice (CCPCJ33) sa Vienna, Austria noong Mayo 13.
Iniulat din niya ang mga makabuluhang hakbang na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang labanan ang mga krimen, tulad ng ‘drug war’ sa bansa.
Binigyang diin din ng DILG chief, ang holistic crime prevention approach na nag-ugat sa community engagement sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program ng pambansang pamahalaan na humantong sa pagbaba ng mga kaso na may kinalaman sa droga.| ulat ni Rey Ferrer