Layon ng National Security Policy (NSP) ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makamit ang National Security vision ng isang malaya, matatag, mapayapa, at maunlad na maritime nation.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Dale De Vera sa pagbubukas ng 3-araw na National Security Cluster Communications Workshop 2024 sa Zambales kahapon.
Ayon kay De Vera ang NSP ay nakatuon sa pagbuo ng mga solusyon sa mga banta at hamon, kasabay ng pagsusulong ng mga napapanahong strategic opportunities para matiyak na mapoprotektahan ang pambansang interes.
Naaangkop aniya ang NSP ng Pangulo sa gitna ng kinakaharap na mga domestic at international security challenges ng bansa, at maging iba pang mga nasyon, na may malaking epekto sa social at economic stability ng mundo.
Matatandaang binigyang-diin ng Pangulo na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit isang pulgada ng pambansang teritoryo, sa gitna ng kasalukuyang hamon sa territorial integrity sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne