Nakatutok na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paglalatag ng security measures para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., sa hulyo.
Sa Talk to the Press ni NCRPO Chief PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., sinabi nitong sa ngayon ay wala pa namang anumang security threat ang kanilang namomonitor na may kaugnayn sa SONA ng Pangulo.
Gayunman, tuloy tuloy aniya ang pagbabantay ng NCRPO sa ibat ibang threat group kasama na ang mga makakakaliwang grupo na kadalasang nagkikilos protesta.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Gen Nartatez na may detalyadong plano na ang NCRPO para sa darating na SONA.
Kasama rito ang pagdedeploy ng nasa higit 22,000 tauhan ng NCRPO para magbantay sa seguridad lalo na sa Batasan Pambansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa