Pinaghahanda na rin ng National Electrification Administration (NEA) ang electric cooperatives (ECs) sa bansa sa posibleng epekto ng bagyong Aghon sa kanilang mga pasilidad.
Sa inilabas nitong abiso, inatasan ang mga electric cooperatives (ECs) na maglatag na ng kanya-kanyang contingency measures para mabawasan ang posibleng epekto ng bagyo sa kanilang serbisyo.
Pinaa-activate na rin ang kanilang Emergency Response Organization para sa agarang pagpapatupad ng emergency response plans kung kinakailangan.
At pinatitiyak na nakapreposisyon na ang kanilang mga materyales at buffer stocks para sa mga pagkakataong mangangailangan ng power restoration.
Para sa mga lugar na kinailangang magpatupad ng electric service disconnection dahil sa masamang panahon, dapat na agad ring ibalik ang kuryente oras na humupa na ang sitwasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa