Naisumite na ng National Electrification Administration (NEA) sa Department of Justice (DOJ) ang mga dokumentong may kaugnayan sa administrative cases na inihain laban sa tatlong Electric Cooperatives (ECs).
Pinangunahan mismo ni Administrator Antonio Mariano Almeda ang pag-transmit ng mga dokumento sa tanggapan ni Justice Undersecretary Jose Cadiz, Jr.
Kabilang sa mga nakasuhan ang Negros Occidental Electric Cooperative (NOCECO), First Bukidnon Electric Cooperative, Inc. (FIBECO), at Nueva Ecija II Electric Cooperative, Inc. Area 2 (NEECO 2-Area 2).
Inaakusahan ang mga ito ng paglabag sa ilang NEA guidelines na umano’y nagresulta sa kwestyunableng paggamit ng pondo.
Ayon sa NEA, ipapaubaya na nito sa Department of Justice (DOJ) ang pagdetermina ng posibleng criminal liabilities ng mga sangkot na ECs. | ulat ni Merry Ann Bastasa