Nagpulong sina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at Queen Máxima ng Netherlands na siya rin Secretary-General ng United Nations Special Advocate for Inclusive Finance for Development (UNSGSA), upang palakasin ang financial inclusion sa Pilipinas.
Kabilang sa tinalakay sa pulong ang open finance, isang sistema ng pagbabahagi ng datos ng mga kliyente sa mga institusyong pinansyal, na layong mapalawak ang access sa mga serbisyong pinansyal.
Ayon kay Balisacan, ang open finance ay nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028, na naglalayong isulong ang digitalization at inobasyon sa bansa.
Nabanggit din sa pulong ang Credit Risk Database Scoring Model ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na inaasahang magpapalakas ng kumpiyansa ng mga nagpapautang sa small and medium-sized enterprises (SMEs).
Target ng UN na palawakin ang access at paggamit ng abot-kaya at responsableng financial services sa buong mundo.| ulat ni Diane Lear