Nagbabala ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko kaugnay sa pekeng website na (http://ppndn-gov.com/) na nagpapanggap na opisyal na website ng ahensya.
Ayon sa NEDA, ginagamit nito ang logo ng ahensya upang makapangloko at magsagawa ng mga hindi awtorisadong transaksyon.
Ipinagbigay alam ng NEDA sa publiko na ang tanging opisyal na website ng ahensya ay http://neda.gov.ph/.
Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na mag-ingat at i-report sa kanila kung sakaling mayroong makita na kahina-hinala o pekeng website sa numero na 8631 0945 o ‘di kaya ay mag-email sa [email protected]. | ulat ni Diane Lear