Negosasyon sa ‘new deal agreement’ sa China, itinanggi ng dating Western Command Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing itinanggi ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto Carlos na nakipag-negosasyon siya sa isang Chinese diplomat para sa isang “new deal” agreement para mapahupa ang tensyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas.

Sa panayam ng People’s Television (PTV) binigyang-diin ni Carlos na wala siyang kapangyarihan para pumasok sa anumang kasunduan sa China.

Ayon sa opisyal, nakilala niya ang Chinese military attache na si Col. Lee, sa mga “diplomatic activities” kaya sinagot niya ang telepono nang tawagan siya nito.

Pero hindi aniya siya nagbigay ng permiso para i-record ang kanilang usapan.

Giit ni Carlos, impormal lang ang kanilang naging usapan at wala silang napag-usapan na anumang “secret deal”.

Matatandaang unang nagpalabas ng pahayag ang Chinese Embassy sa Manila na nakipag-negosasyon umano si Carlos para sa isang “new deal” agreement kung saan pahihintulutan ng China ang pagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal, na itinuturing ng Pamahalaan ng Pilipinas bilang isang disinformation campaign ng China. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us