“New model” sa Ayungin Shoal, “zombie story” lang ng China – PH Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binansagan ng Philippine Navy bilang isang “Zombie story” ang pinalulutang ng China na “New model” na kasunduan umano nila sa Pilipinas ukol sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, ang kwentong ito ay matagal nang patay ngunit muling binuhay ng Chinese Communist Party (CPP) mula sa libingan.

Iginiit ni Commodore Trinidad, na dapat nalang ibaon sa limot ang mga ganitong kwento na pawang imbento lamang at kathang isip lang ng CPP.

Layon lamang aniya ng CPP na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kanilang patuloy na paglabag sa international law at sa karapatan ng Pilipinas sa nasabing lugar. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us