Inaaksyunan na ng National Food Authority (NFA) ang isyu ng katiwalian sa kanilang tanggapan.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food patungkol sa panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL), sinabi ni NFA Acting Administrator Larry Lacson na tinutugunan nila sa ngayon na mahinto o mabawasan man lang ang katiwalian sa NFA.
Sa gitna na rin ito ng alinlangan ng ilang sektor at maging ng ilang senador na ibalik ang kapangyarihan ng NFA na magbenta ng bigas sa mga pamilihan.
Ani Lacson, ilan sa mga hakbang na ginagawa nila ngayon ay ang pagkuha muna ng approval ng NFA Council bago umaksyon at pagpapalakas sa kanilang internal audit. | ulat ni Kathleen Jean Forbes