NGCP, humihingi na ng tulong para maresolba ang kakulangan ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela na ng tulong ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga stakeholder at government officials sa Negros Oriental.

Ito ay para mapabilis ang pagkumpleto ng Amlan-Dumaguete 138-kiloVolt (kV) Transmission Line at mabawasan ang posibleng power interruptions dahil sa overloading ng Amlan-Siaton 69kV line.

Ayon sa NGCP, naging overloaded na sa 69MW ang Amlan-Siaton 69kV line hanggang Abril 25, 2024 na lampas sa normal limits na 58MW, higit pa o mas mababa na nagsisilbi sa Negros Oriental kabilang ang Dumaguete City.

Posible na ring ipatupad anumang oras ang localized manual load dropping o rotating power interruptions kung hindi agad matapos ito.

Batay sa project application ng NGCP sa Energy Regulatory Commission, unang target na makumpleto ito ay sa Setyembre 2024.

Dahil sa local resistance sa proyekto, naghain ng mosyon ang grid operator upang palawigin ang completion date sa Enero 2026. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us