Labing isang Irrigators Associations ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng National Irrigation Administration -Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS).
Ang mga irrigators association ay kabilang sa benepisyaryo ng Rice Contract Farming program ng Ahensya.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ang kaloob na tulong pinansyal ay unang tranch pa lamang.
Inilaan ito sa mga identified farmer-beneficiaries upang magamit sa mga gastusin sa pagsasaka at iba pang mga kaugnay na aktibidad sa contract farming.
Ang tulong ay ipamamahagi sa dalawang tranches: una ay katumbas ng pitumpung porsyento para sa paghahanda ng lupa at pagtatanim , habang ang ikalawang tranche o natitirang 30% ay para sa iba pang aktibidad ng contract farming.
Kamakailan inilunsad ang contract farming program sa UPRIIS na layong mas matulungan pa ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim hanggang sa pag-ani.
Mapababa din ang presyo ng bigas sa pamilihan at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer