Muling pinaalalahanan ng Office of the Civil Defense (OCD) ang publiko na maghanda at mag-ingat sa anumang paparating na kalamidad sa bansa.
Ito’y makaraang opisyal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan kasunod ng mga naranasang pag-ulan sa malaking panig ng bansa.
Ayon sa OCD, ugaliing umantabay sa mga ilalabas na ulat hinggil sa lagay ng panahon, sundin ang mga payong pangkaligtasan at pakinggan ang abiso ng mga awtoridad.
Kasunod nito, hinikayat ng OCD na bisitahin ang kanilang social media pages kung saan, maaaring i-scan ang QR codes para sa mga tagubilin sa panahon ng sakuna.
Sa panahon ng tag-ulan madalas maranasan ang mga biglaang pagbaha, pagguho ng lupa, gayundin ang malalakas na daluyong na dala ng mga dumarating na bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala