Nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng bawat Pilipino sa panahon ng kalamidad.
Ito’y ayon sa Office of Civil Defense (OCD) makaraang ihayag nito na nananatili ang kanilang target na “zero casualty” sa panahon ng tag-ulan na palalalain pa ng pagpasok ng La Niña.
Ayon kay OCD Administrator, Usec. Ariel Nepomuceno, mahalagang magpatuloy at paigtingin ang kahandaan, paggamit sa mga natutunan mula sa mga nakaraang kalamidad gayundin ang pagtutulungan.
Sa sandaling magsimula na kasi ang panahon ng tag-ulan, dito inaasahan ang malawakang pagbaha gayundin ang pagguho ng lupa.
Kaya sinabi ni Nepomuceno na dapat magkaroon ng sama-samang pagkilos upang tumugon sa kalamidad katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan at ang publiko. | ulat ni Jaymark Dagala