Nagpasalamat si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. sa napapanahong pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng 4-bilyong pisong pondo para sa “Payapa at Masaganang Pamayanan” (PAMANA) Program.
Sa isang kalatas, sinabi ni Sec. Galvez na ang pondo ay magpapahintulot sa Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) na magkaloob ng mahalagang imprastraktura at proyektong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng armadong pakikibaka sa pamamgitan ng “Pamana” program.
Ayon kay Galvez, layon ng “Pamana” program, na lumikha ng isang kapaligiran kung saan maaring umusbong ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng pagsabay ng kaunlaran.
Kaugnay nito, nagpasalamat din si Sec. Galvez sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa paglalaan ng bahagi ng kanilang budget para suportahan ang mga “Pamana” projects. | ulat ni Leo Sarne