Nakakuha ng suporta ang Department of Finance (DOF) mula sa OPEC Fund for International Development (OPEC Fund) para sa technical assistance upang matugunan ang issues ng right-of-way (ROW) acquisition.
Ito’y upang suportahan ang “smooth implementation” ng mga big ticket infrastructure project ng administrasyong Marcos Jr.
Sa pulong nina DOF International Finance Group (IFG) Undersecretary Joven Balbosa at OPEC President Abdulhamid Alkhalifa nagkasundo ang mga ito na muling pagibayuhin ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at OPEC.
Ang OPEC Fund ang natatanging globally mandated development institution na nagkakaloob ng financing sa mga miembrong bansa at non-member countries.
Maalalang una nang sinuportahan ng OPEC fund ang Pilipinas sa pilot phase ng food e voucher program na “walang gutom 2027” na nangkakahalaga ng USD 500,00.
Ayon sa DOF, nagpahayag ng commitment ang OPEC fund na ico-finance ang Public Financial Management Reform Program (PFMRP) Subprogram 1 kasama ang Asian Development Bank (ADB).
Ang PFMRP ay suporta sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, na naglalayong pabilisin ang infrastructure at long-term investments ng ADB’s country partnership strategy para sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes