Operasyon ng ‘foreign adversary-controlled’ apps gaya ng Tiktok, nais nang ipagbawal ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ngayon ni Manila Representative Benny Abante ang isang panukala para i-ban at tuluyan nang ipagbawal sa bansa ang Tiktok at iba pang foreign adversary-controlled applications.

Sa ilalim ng House Bill 10489 ng mambabatas, tutukuyin ng Presidente ng bansa ang ituturing na “foreign adversaries” ng Pilipinas, na may posibleng banta sa Pambansang seguridad at territorial integrity.

Punto ni Abante, sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas dahil sa isyu ng West Philippine Sea, ay kailangan magkaroon ng isang “positive preemptive action” ang pamahalaan upang maiwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon at manipulasyon gamit ang social media.

Inihalimbawa ng mambabatas ang Tiktok na ang parent company ay “bytedance” na sinasabing may koneksyon sa Chinese Communist Party at gobyerno ng China.

Una nang na-ban ang Tiktok sa India, Australia, United Kingdom, Amerika, at iba pa.

Dito sa Pilipinas aabot sa 49.9 million ang aktibong user na gumagamit ng Tiktok.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us