Operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market sa Luzon, sinuspinde ng ERC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pansamantalang suspensyon sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Luzon epektibo simula kaninang 1:05 PM.

Ito ay bunsod ng kakulangan sa generation capacity matapos na isailalim sa Red Alert status ang grid.

Ayon sa ERC, ang suspensyon ay alinsunod sa kanilang kautusan noong April 30, 2024. Kung saan ang Independent Market Operator of the Philippines (IEMOP) at NGCP-System Operator ay inatasan na magpatupad ng operasyon alinsunod sa WESM Rules at ERC Order.

Ang suspensyon ay mananatili hanggang sa maglabas ng Notice of Market Resumption ang ERC.

Patuloy na mino-monitor ng ERC ang sitwasyon ng kuryente sa bansa upang masiguro ang seguridad ng power system at proteksyon ng mga consumer. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us