Papayagan na ng Office for Transportation Security (OTS) ang pagsama sa carry-on bag ng bawat airline passengers ang pagdadala ng extension cords at power strips sa bawat paliparan sa bansa.
Ito ay matapos ang mga ilang complaint ng ilang airline passengers matapos ipagbawal ang naturang mga kagamitan.
Ayon sa OTS, ang pagbibigay pahintulot ay dahil sa muling pag-review ng guideline ng OTS ay upang maging balanse ang pagpapatupad ng maayos na seguridad, gayundin ang mas komportableng paglalakbay ng mga pasahero.
Sa huli, hangad lamang ng OTS na mas mapabuti ang bawat pasaherong bibiyahe saan mang panig ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio