Nagpahayag ng pagkabahala si Senadora Grace Poe sa overpopulation ng mga homeless animals sa bansa.
Sa naging pagdinig ng Senate Commiittee on Agriculture tungkol sa panukalang revised animal welfare act, sinabi ni Poe na mataas ang kaso ng rabies sa mga bansang maraming bilang ng mga stray animals.
Base sa report ng Mars Petcare Pet Homelessness Project, nasa 13.11 million ang stray cats at dogs sa buong Pilipinas ngayon.
Ipinunto rin ni Poe na ang Pilipinas ay lumalabas na pang anim sa mga bansa sa buong mundo na may mataas na rabies incidence.
Una na ring inihain ng senadora ang Senate Bill 2458 na layong mapabuti ang kapasidad ng Department of Agriculture (DA) sa pagtugon sa animal welfare issues sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang kagawaran na tututok sa layuning ito. | ulat ni Nimfa Asuncion