P2.8-B na pondo para sa pagbili ng firetrucks at emergency medical equipment nationwide, ibinaba na ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P2.88 billion na pondo para sa nagpapatuloy na modernization effort ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang pondong ito ay gagamitin sa pagbili ng 154 fire trucks, tatlong collapsed structure at rescue trucks, at 132 ambulansya na ipamamahagi nationwide.

“We understand how crucial BFP’s responsibilities are during emergency response and fire incidents. We owe it to them to support their ongoing capability enhancement efforts so they can effectively perform their mandate,” —Secretary Mina.

Sabi ng kalihim, bilang tugon na rin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin pa at bigyan ng angkop na kagamitan ang hanay ng BFP sa buong bansa.

“Bilang pagtugon din po ito sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na i-equip ang ating firefighters. Alam naman po natin na sa pagtupad ng kanilang tungkulin, buhay ang nakataya,” —Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us