Makukumpleto na ng Manila Water ngayong buwan ng Mayo ang Php 45 million Darangan Pipelaying Project sa Binangongan, Rizal.
Ayon sa Manila Water, asahan na ang mahigit 20,000 kabahayan sa Angono, Binangonan, Cainta, Taytay sa Rizal at bahagi ng Pasig City ang makikinabang sa maayos na suplay ng tubig.
Dinisenyo ang proyekto upang palakasin ang kasalukuyang supply connections at makinabang ang mga residential, commercial, at industrial customers sa nasabing lugar.
Ayon kay Manila Water’s Corporate Communications Affairs Group Director Jeric Sevilla, ang Darangan Pipe Bridge project ay bahagi ng service improvement program ng kumpanya para sa mga customer ng Rizal.
Ang 800-mm steel pipe bridge system na ito ay sumasaklaw sa 26 linear meters sa kahabaan ng Manila East Service Road.
Sinimulan ang pipelaying project, noong Nobyembre 2023.
Sa ngayon, nakapaglatag na ng mahigit 5,400 kilometrong water network ang East Zone concessionaire na nagsisilbi sa mahigit 7.6 milyong customer sa East Zone ng Metro Manila at Rizal.| ulat ni Rey Ferrer