P8.4 milyong multa, makokolekta mula sa pinaigting na Anti-Colorum Campaign ng DOTr-SAICT ngayong May

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo sa P8.4 milyon ang halaga ng multa na makokolekta ng pamahalaan mula sa mga kolorum na sasakyan.

Ito ay resulta ng pinaigting na Anti-Colorum Operations ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).

Batay sa datos, nasa walong mga colorum na sasakyan ang nahuli ng SAICT simula May 1 hanggang May 15.

Kabilang sa mga nahuli ng SAICT ang mga colorum van, at iba pang pribadong sasakyan.

Nasa P200,000 ang multa sa mga kolorum na van habang P1 milyon ang ipinapataw sa mga kolorum na bus.

Nanawagan naman ang DOTr sa publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum na sasakyan, sa halip ay i-report ito sa DOTr Commuter Hotline na 0920-964-3687. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us