Nagpasalamat ang Philippine Air Force (PAF) sa patnubay na ibinigay ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa PAF 2nd quarter Command Conference na isinagawa kaninang umaga sa Villamor Airbase.
Sa naturang pagpupulong, nagbigay ng pag-uulat at rekomendasyon sa Commander-in-Chief si PAF Commanding General Lt.Gen. Stephen P. Parreño at iba pang matataas na opisyal ng PAF.
Ito’y sa layong mapalakas ang “airpower” ng bansa upang maging mas epektibo sa pagtatanggol ng bansa laban sa mga “emerging security challenge” at mapahusay ang kapabilidad sa pagtugon sa mga sakuna.
Umaasa naman ang PAF sa patuloy na suporta ng Pangulo sa modernisasyon ng kanilang hanay, upang maging isang “capable, credible, and sustainable” na pwersa na maasahan ng bansa.
Kasama ng Pangulo na dumalo sa pagpupulong sina: Executive Secretary Lucas P. Bersamin; Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr.; Special Assistant to the President, Sec. Antonio Ernesto Lagdameo, Jr.; at Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, Gen. Romeo S. Brawner Jr. PA. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF