Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mabilis na pagtugon ng Department of Budget and Management (DBM) sa kahilingan ng ahensya na karagdagang contractual position para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang paglikha ng 4,200 Project Development Officer (PDO) II items ay bahagi ng pangako ng DSWD.
Malaki ang maitutulong nito upang mabawasan ang workload ng 4Ps workforce sa grounds, partikular ang Probinsiya at Municipal Links.
Sabi pa ni Dumlao ang inisyatibang ito ay magbibigay ng security of tenure sa workforce ng ahensya na karamihan ay engaged sa DSWD sa pamamagitan ng isang cost-of-service agreement o job order employment status.
Ang 4Ps ay ang national poverty reduction strategy at isang human capital investment program ng gobyerno ng Pilipinas na ipinatutupad ng DSWD at nagsisilbi sa 4.4 million household-beneficiaries sa buong bansa.| ulat ni Rey Ferrer