Unti- unti nang nasisira o nasa “degraded state”na ang Cay 1, 2, at 3 na bahagi ng Pag-asa island sa West Philippine Sea.
Ito ang ibinunyag ni Dr. Jonathan Anticamara ng UP Institue of Biology, matapos ang ginawang maritime resource assessment ng University of the Philippines Institute of Biology, Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Marso.
Sinabi ni Anticamara, maraming corals, isda at lamang dagat ang nasira at patay na habang ang mga natitira naman ay kokonti na lamang at maliliit pa.
Posibleng dahil aniya sa overfishing, climate change, o kaya naman ay dahil sa island building sa West Philippine Sea.
Pero batay sa istura ng pagasa cay, malaki ang posibilidad na ito ay hindi dahil sa natural occurrences.
Nagbigay ng rekomendasyon ang UP Instutue of Biology,na dapat paigtingin ang monitoring at assessment sa impact nito sa reef biodiversity.| ulat ni Rey Ferrer