Ipinapayo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-iingat ng publiko laban sa paggamit, pagbebenta, distribusyon at pagpapatubo ng “magic mushroom.”
Ito’y kasunod ng pagkakumpiska ng mga lollipops, chocolate bar at gummy bears na hinihinalang hinaluan ng “magic mushrooms,” gayundin sa mga marijuana kush at cocaine na nagkakahalaga ng ₱145,000.00 sa isang beach resort sa Galongen, Bacnotan, La Union sa idinaos na drug buy-bust operation.
Magugunitang nadakip sa naturang operasyon ang pitong katao, kabilang ang isang banyaga.
Batay sa imbestigasiyon, pinapatubo ng mga suspek ang mga naturang mushroom kasabay ng pagtataguyod sa microdosing para sa medisinal.
Nagtataglay ang “magic mushroom” ng psilocybin na tinatawag ding “katsubong.”
Itinuturing itong illegal substance sa Pilipinas batay sa listahan ng Dangerous Drugs Board.
Dahil dito, umaapela ang PDEA sa publiko na makipagtulungan upang hindi maikalat sa merkado ang magic mushroom. | ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo