Pag-imbita kay dating Pangulong Duterte sa imbestigasyon sa umano’y gentleman’s agreement, di pa kailangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa nakikita ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang pangangailangan na imbitahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte para bigyang linaw ang umano’y secret o gentleman’s agreement kaniya umanong pinasok kasama ang China.

Ayon kay Dalipe, nakadepende sa takbo ng pagdinig kung kakailanganin pa ba na padaluhin  ang dating presidente.

Kung mayroon aniya talagang impormasyon na tanging siya lang ang makakasagot ay saka lamang aniya ito ipapatawag ng komite.

“Depende siguro kung ano yung result pero as of now we don’t see any need to summon him, how the present hearings are going on today, so we’re find out later kung kailangan ba but as of now we don’t see any need to summon the Former President Rodrigo Duterte to attend the hearing…depende nga kung meron bang kailangan na information na siya lang talaga ang pwede magsabi.” sabi ni Dalipe

Sa panig naman ni Dangerous Drugs Committee Chair Ace Barbers, sinabi niya na unang ipinatawag ng komite ang mga key player ng nakaraang administrasyon para bigyang linaw ang isyu.

Kung kalaunan ay makulangan ang komite ay saka magpapatawag ng iba pang resource person.

Ipinunto naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na kung pagbabatayan ang alter-ego principle ay sapat na ang kredibilidad ng dating miyembro ng gabinete ng dating administrasyon para sagutin ang mga tanong sa umano’y secret agreement.

Pero hirit ni Bongalon, dahil sa ang gentleman’s agreement na ito ay pinalutang ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maimbitihan siya sa pagdinig.

Sa hiwalay na pahayag ni House Committee on Defense and Security Chair Raul Tupas nagpahayag si Roque na dadalo ito sa susunod na pagdinig.

Kasalukuyan lang aniya itong nasa labas ng bansa at makakabalik ng Pilipinas sa katapusan pa ng buwan. | ulat ni Kathleen Forbes 

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us