Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan matapos maabot ang criteria sa dami ng ulan sa nakalipas na mga araw.
Ayon sa PAGASA, dahil na rin sa mga thunderstorm at habagat, umabot na sa itinakdang pamantayan ang dami ng ulan na naitala.
Samantala, sinabi ng PAGASA na may posibilidad na magsimula ang La Niña phenomenon sa Hulyo, Agosto, at Setyembre, na maaaring magdulot ng mas malalakas na pag-ulan hanggang sa katapusan ng taon.
Gayunpaman, inaasahan din ang paghina ng ulan o monsoon break sa mga susunod na linggo.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan. | ulat ni Diane Lear