Ikinalugod ni NFA Administrator Larry del Rosario Lacson ang pagbabalik trabaho ng nasa 72 kawani ng ahensya.
Ito matapos na bawiin ng Ombudsman ang suspension order sa mga ito na karamihan ay mga warehouse supervisor.
Sa isang teleconference, pinulong ni Administrator Lacson ang mga kawani na reinstated na at makakabalik na sa trabaho.
Ayon sa kaniya, malaking tulong sa operasyon ng NFA ang pagbabalik ng ilan sa kanilang tauhan.
“This means we have 72 more human power and this will greatly help our operation,” Lacson.
Dahil dito, matutugunan na rin aniya ang mga nakabinbing procurement operation na naparalisa nang masuspinde ang warehouse suspervisors.
Kasunod nito, patuloy namang umaasa si Lacson na madagdagan ang mga empleyadong makabalik na rin sa kanilang serbisyo.
Sa ngayon, nasa 45 pang tauhan ng NFA ang nananatiling suspendido dahil sa umano’y paluging bentahan ng rice buffer stock sa mga trader. | ulat ni Merry Ann Bastasa